
Matagumpay na idinaos ang Ugnayan 2025 noong Hulyo 30, 2025 sa Spark Building, Vermosa Campus.
Ito ay isang makabuluhang pagtitipon ng Paaralang De La Salle Santiago Zobel kasama ang ating mga katuwang na komunidad at institusyon. Pormal na nilagdaan ang Terms of Engagement na magsisilbing matibay na pundasyon para sa ating mga proyektong pangkomunidad. Ito ay malugod na dinaluhan nina Pangalawang Punong Tagapagpaganap, G. Rafael Javier Reloza, Punong Guro, Dr. Ruby Ramos, at ng iba pang mga katuwang na Lasalyano.
Ang programang ito ay malinaw na pagpapatunay sa ating dedikasyon na maglingkod at makiisa sa sama-samang pagbuo ng lalong mahusay na lipunan.