Lasallian Formation ng PEGTHA at BRafeNHS Card Distribution

Sa darating na Agosto 23 (Biyernes) mula 4:30 – 6:00 pm, ang mga magulang ng Grade 7 hanggang Grade 10 ay magtitipon para sa Lasallian Formation Program na pamumunuan ng Campus Ministry Office. Ito po ang unang pagkakataon sa kasalukuyang taong panuruan na magsasama ang mga magulang ng BRafeNHS para paigtingin ang kanilang kaalaman tungkol sa mga turo at pamana ni San Juan Bautista de La Salle. Ito rin po ay naglalayon na patatagin ang ugnayan ng paaralan at ng mga magulang bilang Lasallian Partner.
 
Susundan ang naturang programa ng Panunumpa o Oath Taking ng mga bagong halal na pamunuan ng Parents, Employers, Guardians, Teachers at Homeroom Advisers Association (PEGTHA) na gaganapin sa Our Lady of the Star Chapel. Magsisimula ang Card Distribution mula 6:00 – 8:00 ng gabi sa mga klasrum na itinalaga.
 
Para inyong impormasyon at gabay.
Tanglaw_Pegtha.001